Hanapan ang Blog na Ito

Biyernes, Hunyo 5, 2015

MASARAP MASAKTAN SA KATOTOHANAN KAYSA SA PATULOY NA AASA SA ISANG KASINUNGALINGAN!



MASARAP MASAKTAN SA KATOTOHANAN  KAYSA SA PATULOY NA AASA SA ISANG KASINUNGALINGAN!


Hindi talaga natin mapiplease ang lahat ng tao. Kahit na sino pa kaya ka nilang saktan. Hindi mo sila makocontrol, ang tangi mo lang magagawa ay kontrolin sarili mo. Kung masasaktan ka sa nababasa o ginagawa mo, umiwas ka nalang. Kasi minsan kapag lalo mo pinapatulan, mas lalo sila nanggigigil. Dedmahin mo nalang, tingnan mo darating araw titigil sila, okaya naman iba na yung bibiktimahin nila. Parang sa pag-ibig, kung nasasaktan ka na sakanya at sa tingin mo ay sobra na, aba! Magdesisyon ka na agad. Gusto mo bang masaktan habang umaasang sasaya o masaktan panandalian pero sigurado na sasaya ka dahil hindi ka na masasaktan pa. Masaya kayo ngayon. Mahal na mahal mo siya at pinanghahawakan mo mga pangako niya sayo. Pero may mga sitwasyon na may magbabago, madalas na lagi away niyo. Masasaktan ka kasi hindi mo alam dahilan kung bakit siya nagbago at nanlamig sayo. 

Tipong ang dami niyang pangako sayo na ikinasaya mo. Na halos lahat sinakripisyo mo para sakanya. Ang mas masakit pa dun e yung iniwan at binitawan ka niya ng walang pag-aalinlangan. Pero ang mas sa mas masakit e yung gumawa siya ng dahilan para makipaghiwalay sayo, tulad ng hahanapin ko lang sarili ko. Wala na tayong oras sa isat - isa, hindi na nagwowork relasyon natin pero bandang huli ang tunay na dahilan lang e may iba pala siya. Ang sakit di ba. Sobrang sakit. May mga leksyon ng buhay na kailangan nating matutunan sa masaklap, masakit, o mapait na pamamaraan. Para tumatak sa isip. Para next time, alam mo na kung anong gagawin. Para hindi mo na ulitin. O para kung maulit man, alam mo na yung pakiramdam. Hindi na bago. Hindi na ganun kasakit. O kung maulit at ganun pa rin yung pakiramdam at least nalaman mo na makulit ka pala talaga. Na matigas pala talaga yang ulo mo. Na hindi ka pala talaga matututo. Yun ang isang magandang balita doon, nakilala mo ng mas malalim ang sarili mo. kung ginawa mo naman lahat para maayos relasyon niyo, pero ayaw na niya talaga. hayaan mo na siya. isipin mo nalang baka hindi talaga kayo para isat isa. nagkatagpo lang kayo para maging parte siya ng buhay mo at para mas matuto ka sa mga susunod mong relasyon. sa una ka lang malulungkot at kapag natanggap mo na hindi talaga kayo para sa isat isa, magiging masaya ka din at mahahanap yung taong para sayo.
kapag yung taong nagmamahal sayo ng sobra e pinagtatabuyan mo na pero pinipili niya pa din mag-stay, wag mo na pakawalan. kasi bibihira nalang yung mga taong mag-stay satin kahit na magulo o kumplikado pa relasyon. sila yung mga taong nagmamahal ng tunay at hindi agad agad sumusuko. pero wag mo abusuhin yung kahinaan niya. maaring hindi sumusuko yan sa ngayon sa mga pambabalewala mo. pero maari din mapagod yan. at kapag napagod yan, hindi na babalik sayo yan lalo na kapag natauhan na siya. 

habang nasa relasyon ka, isipin at gawin mo yung makakabuti sa inyo ng karelasyon mo. iwasan mo yung mga bagay na kinakagalit niya. pero may mga pagkakataong nagagalit siya o nagseselos sa mababaw na dahilan tapos mauuwi sa away yung selos na yun. minsan naman pinapalayo ka sa mga kaibigan mo, hindi naman lahat ng gusto ng karelasyon mo e susundin mo na. dapat alam mo sa sarili mo kung sinasakal ka na ba. kaya ka pumasok sa relasyon para sumaya hindi para ikulong o sakalin lang ng taong inakala mo e maiintindihan ka sa lahat ng pagkakataon. just enjoy your relationship without doubt.

Minsan, nakakapagtakang kahit na ginawa mo na lahat ay wala pa ring epekto kapag nawala na talaga ang pagmamahal niya sa ‘yo. Naiwanan ka sa laban na kayong dalawa ang nag umpisa. Parang taya-tayaan na ikaw ang naghahabol tapos nung nahabol mo siya ay umayaw siya bigla dahil pagod na siya kakatakbo palayo sa iyo. Parang nakikipaglaro ka nang patintero at hinihintay mo siyang dumaan sa ‘yo pero mas pinili niyang manatili sa harapan mo at kahit kailan ay hindi sinubukang tumawi... Ang pagsuko ay hindi nangangahulugang kaduwagan! Minsan, my mga bagay na kailangang I give up, hindi dahil pagod kana o sawa kana… kundi dahil.. alam mong kahit anung gawin mo… hindi na siya para sayo!

A guy asked a girl what’s her dream wedding: “a wedding of elaborate, elegance, a church filled with flowers and friends.. how about you?” then he answered, “the one that will make you my wife…”


Ayoko sana ikaw itxt kasi gusto ko mamiss mo naman ako at maisip mo mahalaga din pala ako sayo… yun nga lang pasensya na… hindi ako kasing tibay mo… na masaya kahit wala ako!
It’s hard to realize and to accept that the one I love has to go.. it hurts so much but I say, “kaya ko ito” tears fall… because what I really mean is… “shit paanu na ako??”:(
Dati hinahabol ko yung mahal ko pero hindi niya ako pinansin tapos isang araw nawala ako hinanap niya ako tinanong… bakit ka nagsawa?! Ngumiti ako hindi ako nagsawa natauhan lang…
Sabi nila huwag daw hanapin ang taong intindihin sayo, maghintay ka, sabi nila kusa siyang darating sa buhay mo, maghintay ka lang KALOKOHAN! Paano kung hinihintay ka rin niya? Eh di hindi na kayo nagkita?!
Minsan kailangan maghiwalay pasa magkasubukan, minsan kailangang masaktan para may matutunan, at minsan kailangan mo mag-isa para malaman mong siya na nga ba talaga o may darating pa!
Nakatanaw ako sayo ng my nagsalita; “mahal mo siya noh?” sabi ko; “hindi ah!” “kung hindi mo siya mahal, eh ano siya sayo?” sabi ko; “wala lang!” pag-alis niya nasabi ko, wala lang buhay ko lang!…




Sa buhay na ito… may nasasakatan at naiiwan… may lumuluha at patuloy na umaasa… pero mas masarap masaktan sa katotohanan… kaysa patuloy na aasa sa isang kasinungalingan!




="Mr. R"=



Lunes, Hunyo 1, 2015

Kamusta na nga ba ako?



Kamusta na nga ba ako?
Uhm, naka graduate na pala ako ng 2years sa  (CPNCII) Computer
Look ohh na iiba yong suot namin
parang high school graduate lang
ako dito hehehe.. di manlang
itim yong tuga namin
tinitipid ata kami nong
time na yon hahaha..
Programming NCII. Pero heto padin ako, nag aaral padin. Hehe. Tinuloy ko na din para magkaron ng degree yung pinag aralan ko nag aral ako ulit dahil di kasi ako nakuntinto nahihiya ako sa sarili ko dahil sa mga tao kasi sabi baba nang pinag aralan ko. Syempre sa panahon ngayon, madami nang nag iinarteng company diba? Gusto nila yung janitor nila nakapag tapos ng kahit 2years manlang. Yung iba nga ata 4years eh. Haha! Pero wala naman akong balak mag apply ng ganong klaseng trabaho, though hindi ko naman minamaliit dahil marangal namang trabaho yun kasi naranasan ko kasing mag trabaho na Janitor din yong posisyon ko di ko rin ikinahiya yon bilang isang Janitor marangal din ang trabahong niyan kesa sa pagsasayaw sa gabi sa mga gusaling patay sindi ang mga ilaw. If you know what I mean. Hehehe.
Computer Hardware, (DVTS) Dumalag Vocational Technical School. Naks. Mas maganda pakinggan. Yong dati kasi nag aaral ako sa CAPIZ STATE UNIVERSITY Dumarao, Campus, (CAPSU) Computer Programming. Haha! Naalala ko tuloy yung movie ni Jericho Rosales na “ABNKKBSNPLAKO” ba yun? Haha! Di sigurado. Pero kasi may dialog sya dun na parang.. “Hindi sa University, hindi sa College, sa Computer Programming, lang?” Haha! Bigla akong nahiya eh. Lalo na’t naisip ko na parang nasayang lang yung tuition fee ko dun. Pero hindi naman pala kasi nagagamit ko naman na kikitaan ko naman yong mga napag – aralan ko sa Computer at na paaral ko na rin sarili ko bukod sa na paaral kuna sa sarili ko naka tulong pa ako sa mga kapatid ko naka pag padala na rin ako at naka pag tapos ng mga kapatid ko sa College yon pero sulit naman at di na
Sister Gretchen ko nasa kanan at
bestfriend niya yong nasa kaliwa
niya. 
sayang yong mga paghihirap ko dito na maka hanap ng extrang makikitaan para sa sarili ko at sa mga kapatid ko. Masaya ako dahil nakikita ko na rin yon sa kapatid kung babae nong nakapagtapos siya ng Teacher Education, at Good News na rin sa akin bilang kuya niya dahil naka pasa siya sa Board Exam nakita kuna nalang sa Iternet noon yong pangalan niya at iba pang Family namin naka sulat doon yong Roll of Successful Examinees in the L.E.T. - SECONDARY - All Regions Held on MARCH 29, 2015 nakita ko dito sa link na ito. : https://drive.google.com/file/d/0B-GWPsP_j7pSZF9Kb1QtVTR4WWM/view?pli=1 . masaya na rin ako kahit papano dahil nakapasa siya :).

Tungkol naman sa akin simula kasi nung nag aral ako dito sa CAPSU, naisip kong walang wala pala yung mga tinuturo dun kesa sa mga tinuturo dito. Maning mani kumbaga. Though nag enjoy naman ako kahit papano at may natutunan din ako ng malaki sa school ng CAPSU pero di ibig sabihin ikinahiya ko yong paaralan na tinapusan ko proud pa rin akong CapSunian, at nangkaron ako ng mga kaibigang akala mo may mga sira sa ulo, haha! Doon din ako bumuo ng sarili kung barkada na ako mismo ang kumilala sa (13) labing tatlong taong nakilala ko na bumuo ng B.W.I noong August 22, 2011.

Nandito nga pala ako ngayon sa Kwarto ko nag aaral kahit di pa
napapansin niyo ngayong
naka salamin na ako dahil na rin
 kasi sa lagi akong nakatutok sa
Computer mapa araw man o gabi siguro 
ito na yong epekto ng 13hrs. 
sa pag tutok sa Computer.
pasukan. Naman kailangan paghandaan Pinag aaral ko nga pala ngayon ng sarili kung pagsisikap, pero dito rin po ako naka tira ngayon sa Visayas nasa Tito ko pinsan ng Mama ko kapatid ng Lola ko yong Nanay ng Tito ko na tinitirahan ko ngayon.
 Sana, sana wag ako mawalan ng makikitaan sa mga oras na kinakailangan ng pera sa time na iyon at sana naman na darating din yong time na may makuha akong suporta galing sa pamilya ko sa oras na kinakailangan ko kailangan ko to gawin di lang sa sarili ko kundi dahil narin sa Future ko na rin at sa hinaharap ng buhay ko. Alam kung di madali para sa akin gawin to kasi midyo bobo din ako minsan sa English at Math minsan kaya kaylangan kung mag tyaga sa mga kahinaan ko kailang ko tung matutunan at mapag –aralan kung ano yong kahinaan ko sa isang bagay dahil alam kung don rin ako matututo at para na rin di na ako mahirapan pa nakakahiya naman sa taong minamahal ko ngayon dahil siya mataas ang pinag aralan niya kaysa sa akin. At wala pa akong iharap sa kanya pag nagkita
at sa umaga laging
nasa Computer Shop na rin
kasi andon ako laging nakatambay 
kaya midyo pangit na rin yongg look ko
 waaaaaaa... hahaha..
kami wala siyang ipagmamalaki sa akin dahil wala ako tulad ng mga bagay na pinapangarap niya sa isang lalaki tanging ma iharap ko lang sa kanya kung anong miron ako ngayon sa buhay ko. Pero mag sisikap parin ako para sa kanya at sa sarili ko na balang araw maipagmamalaki niya rin ako. Iwan ko lang kung talagang maghihintay siya sa akin sana naman makapaghintay siya tulad ng sinabi niya noon na maghihintay siya hanggang sa dumating na yong tamang panahon para sa amin.
May girlfriend nga pala ako, SweetHazel name nya. Kaya lang nakalimutan ko kung kailang niya akong sinagot kaya wala akong matandaan na araw ng Monthsary namin sana manlang malaman ko rin na kahit papano matandaan ko na rin kung ilang araw o buwan o taon na kami L . di ko pa yan nakikita sa personal tangging Internet at cellphone lang yong pagitan naming dalawa sabi daw nila mahirap ang ganitong relasyon sabi ko hindi mahirap to pag seryoso kami sa isat-isa na magsama di mahirap ang relasyong ito pag malaki ang tiwala mo sa kanya at malaki din ang tiwala niya sayo na magkikita at magkasama. Tiwala lang po tayo sa isat – isa dahil dito lang ako lagi para sayo ;)
Hanggang dito lang muna yong sulat ko hehehe.. abangan niyo nalang yong susunod hehehe..,


Kunting real Video lang naman nagawa ko pag walang magawa like this :) pero di rin ginawa parang wala lang dito sa maririnig na kanta na to na isinama ko sa Video na may mga larawan na napili ko at sa  lahat ng nakikita ninyo sa Video na kakaiba like kidlat, ulan, snow, kuryenti, storm at iba pa ay may mga kahulugan sa buhay ko. parang ganito ka lungkot yong buhay ko pag mawala yong taong mahal na mahal ko ngayo. :( 





Matanong kita..
eh ikaw? Kamusta ka naman? :)






=”Mr. R”=


Biyernes, Mayo 29, 2015

"MALIGAYANG PAGTATAPOS SA BATCH 2015"


"MALIGAYANG PAGTATAPOS SA BATCH 2015"


Ngayong buwan ng Mayo araw ng Sabado ng (30) tatlongpo. may mga magtatapos na naman ngayong buwan ng Mayo lalong-lalo na sa College. nais kung batiin ang napakahalagang babae at isang taong importante sa buhay ko na si Ms. SweetHazel Bancod. binabati kita ng isang maligayang pagtatapos sa wakas tapos ka narin sa buhay estudyante at sa iba pa niyang mga ka klasi at kasama ngayong magtatapos sa College Congratulations po sa inyong lahat.. :) 


“If we do not plant knowledge when young, it will give us no shade when we are old.”
Graduation na naman, sa lahat nga Graduates, Congratulations!.
And you’ll facing the new chapters for your life. This is not the end, were just in the beginnings.

Sa mga Elementary at para sa High School good luck sa College good luck sa Job Hunting, akala nyo tapos na, New Chapter ulit.. Isa ito sa pinakamahirap, MAG HANAP ng TRABAHO, college Graduate kana hindi ka pa rin makatrabaho, B.SI.T tinapos mo pero cashier ka LANG. Walang masama kung hindi man yung tinapos mo ang position mo, ang importante nag tratrabaho ka ng marangal at hindi kana pabigat sa magulang mo.. Ang pinag-aralan hindi yan nawawala nadadagdagan yan.. 



Ms. SWEETHAZEL BANCOD

Congratulations sayo Ms. H :) ngayon magtatapos kana. Yes! Finally! Tapos na ang madugong exam, nakaka-stress na thesis defense mo, nakakapuyat na reporting at kung anu-ano pang pagsubok ng buhay estudyante mo.


Pero sure akong mamimiss mo ang kulitan ng barkada ninyo, tawanan ng buong section, bonding sa mall ng mga kaklase mo mga kaibigan mo, mga nakakatawa at epic fail na kwento ng buhay estudyante niyo, yung mga professor na naging friends niyo na rin, yung mga overnight para sa project na nauuwi sa magdamag na kwentuhan at tawanan, yung mga
cramming sa paggawa ng reports and assignments, yung minsang nakakahaggard na event at mga seminar na pinuntahan niyo. Nakakamiss yun!



Pero ngayong graduate ka na, I want to congratulate to you at yung mga taong nagpaaral sa'yo, yong mga taong insperation mo sa buhay nong ikaw pa ay nag - aaral pa like Sister, Brother, Friends at sa iba pa na naging tulay sa patuloy mong pangarap na makapagtapos sa coursong nakuha mo ngayon at sa pinaka mamahal mong Tatay na siyang tumaguyod sayo upang makatapos ka sa iyong pag-aaral. Finally! Makikita mo na ang bunga ng mga sakripisyo, pagod at luha ng pag-aaral at pagpapaaral. ngayong tapos kana oras na naman para suklian naman natin yong mga taong naging tulay o tumulong sa atin noon habang nag - aaral pa tayo. lalong lalo na sa ating mga magulang na siyang dahilan kung bakit tayo ngayon nakatapos.

..hmmmp.." sabi nila ngayong tapos kana sa iyong pag - aaral pwedi mo nang gawin ang gusto mo sa buhay malaya ka kung anong gusto mo nasa iyo daw yan kung ano pipiliin mong daan para abotin yong minimithi mong mga pangarap. may mga disisyon na pweding mag-asawa ng maaga total tapos kana may mga disisyon na patuloy pa rin sa mga pangarap na di nag - aasawa. dahil may hinihintay sa buhay o tinatawag nilang Dreamboy or Dreamgirl ng buhay mo. basta ang alam ko kung saan ka masaya andon lang ako sasamahan kita ;) dahil alam kung mabuting tao, anak at mapagmahal na Ate ka sa mga Kapatid mo masaya ako dahil nakilala kita nag tiwala sa lahat ng mga kakayanan mo at unang umahanga sa husay at galing mo. kaya
smile emoticon

Pasalamatan natin yung mga taong tumulong sa atin para makapag-aral tayo lalong lalo na sa Family natin. 
smile emoticon



Congratulations ulit! 





ABOUT ME AND MY EXPERIENCE 

Ang araw ng pagtatapos ay ang araw kung saan binibigyang parangal ang mga estudyanteng maluwalhating nakapagtapos sa pag-aaral. Ito ay pagpapatunay ng kanilang napagtagumpayan sa loob ng ilang taon ng pagsisikap at pagbubunyi. Ito ay masaya dahil sa wakas makikita na rin ang bunga ng ilang taong paghihirap at pagsisikap sa pag-aaral. Ang araw na ito ay simula ng panibagong kabanata sa buhay ng isang mag-aaral tungo sa mas malawak pang karanasan. Kaya bilang isang mag-aaral, magiging isang napakagandang karanasan para sa akin ang makapagtapos sa Elementarya, High School at College. Ito ay isang karanasang hinding hindi ko malilimutan. Ngayon pwedi na akong maipagmamalaki ng aking mga magulang.



Ito yong larawan ko nong naka pagtapos ako ng High School super cute no hahaha.. naman habulin yan dati ng mga babae pati ba naman yong mga gay pero ako naman walang gana sa kanila ang alam ko lang non dati nong high school ko basag ulo lang away dito away doon. gala dito gala doon. nong time na nahuli ako ng Mama ko sa school " ayon nag matino lumipat ng ibang school at nag - aral ng mabuti para makatapos kasi last chance na ibinigay sa akin ng Tatay para maka pag - aral ulit at makatapos sa High School. 

bago ako nakatapos sa High School dami ko rin naka away doon sa School na yon kadalasan mga Muslim Ilocano yon parang mga adik kasi mga kaibigan ko naman sila pero sinusuyo ba naman akong uminom at maninigarilyo kahit alam naman nila na di ako ganon oO basaguliro nga ako dati pero pag dating sa bisyo tilad ng paninigarilyo at pag inom wala ako non buti pang yayain nalang nila akong kumain baka may take out pa akong makuha sa kanila :). O di ba bukod sa nakakain kana busog kapa may take out pa.. hahaha.. biro lang po di naman ako ganon ka takaw pag dating sa pagkain :) ayonn sa awa ng Dios dahil goodboy dahil nag matino na ayon naka pag tapos din ng high school life ko :). 

Ang sarap sa pakiramdam na graduate na ako ng high school. Haaaay. Konting araw palang kaming hindi nagkakasama-sama ng mga kaibigan ko. Miss ko na kaagad sila. Wala e, kailangan talagang mag move sa next chapter ng life. Goodbye High school. I’ll miss you ~


“Every day my experience and knowledge increase and I learn more about myself.”


Just always do you Best and God will do the Rest.



EXPERIENCE:

HIGH SCHOOL LIFE IS THE BEST!


Yes!!" Graduate na Ako..

“Heto na ang pinakahihintay kong araw…”
pag gising ko yun ang sabi ko sa sarili ko ….. medyo malungkot kahit wala yong mga parents mo at mga kapatid mo sa tabi mo sa araw na iyong pag tatapos sa Kolehiyo at minsan super lungkot dahil kasi wala ng mangbubully sa akin sa pangangasar, kahit halos lahat hindi ko nakaclose, we still had good memories kahit papaano di ba? iiyak din dapat ako pero nagpaka tapang ako na hindi ako umiyak :’D hahaha sa bahay ko iniyak WHAT?! HAHAHA sa mga bati nila na “congrats, graduate na tayo”, ang sarap pakinggan :’) 

Guardian angels, kahit medyo hindi maganda minsan ang samahan natin, hinding hindi ko kayo makakalimutan, you guys will always be in my heart, salamat sa lahat lahat <3.


Graduation is only a concept.  In real life every day you graduate.  Graduation is a process that goes on  until the last day of your life.  If you can grasp that, you’ll make a difference.



The secret of success is learning how to use pain and pleasure instead of having pain and pleasure use you. If you do that, you're in control of you life. If you don't, life controls you.

Look yong larawan ko mukahang matanda na hahaha.. pumangit na tumatanda kasi hahaha..


Graduateeee na na talaga akooooo :))
They say good things come to those who wait! Well it’s been worth the wait  LOVE my life and everyone in it. 


Finally after 13 years of studying (preparatory, grade 1 to grade 6, high school to college and Working.) the long wait is over. sa lahat ng to my loving God, PARENTS, MY UNCLE AND my Self for their continuous support and love, and most especially to our God hindi niya ko pinabayaan, and HE’s always there to guide me and give me strength whenever i fall down. kung hindi dahil saknila wala ako sa kinalalagyan ko ngayon :D
sa mga ka-batch ko TILL WE MEET AGAIN ika nga natin kanina diba?? CONGRATULATION SA'TIN :))




Captesa Day 2012

A video taken during the CAPTESA Day 2012 and celebration of TVET Week/TESDA 18th Year Anniversary held at Villareal Stadium, Roxas City with the Theme:"Alay ng TESDA - Kagalingan, Kaalaman, kasanayan Para sa Magandang Kinabukasan."

Part of the activity was a dance showdown between students of different member schools of Capiz TESDA Schools Association (CAPTESA) and a cultural presentation.

Mga tawanan at yong sayang di makakalimutan sa sayawan.



..yong tipong ayaw mong sumayaw pero napapa indak ka sa ka kulitan nila.



..nakaka baliw sa subrang sayaw hahaha..



yong tipong sabi mo di ka marunong mag sayaw pero na papasayaw ka pag sila na ang kasabay mo batch 2009.


It is in fact a part of the function of education to help us escape, not from our own time -- for we are bound by that -- but from the intellectual and emotional limitations of our time.

Ito naman ay larawan namin sa Captesa, nasa College na ako dito.
CAPTESA is an organization of schools in the Province of Capiz and Roxas City that is offering courses and trainings for skilled workers under the supervision of TESDA. Capiz TESDA Schools Association, Inc. (CAPTESA) was established in 1999 and at present with 16 members schools. As a Hectic Capiznon Blogger of 2009, I’m proud to be part of CAPTESA.


Education is the most powerful weapon which you can use to change the world.




="Mr. R"=



Sabado, Mayo 23, 2015

"LONG DISTANCE RELATIONSHIP"


"LONG DISTANCE RELATIONSHIP"

Para lang 'to sa taong matatapang. 

Yung tipong sobra ka ng nahihirapan at nasasaktan, pero patuloy ka paring lumalaban at walang sawang naghihintay kahit gaano man ito katagal hanggang sa muli niyong pagkikita. Yung bang halos mabaliw ka na sa sobrang pagkamiss, yung tipong gusto mo siyang lambingin pero di mo magawa kaya iiyak ka na lang at pilit mong kinakaya. Sobrang hirap man, di ka pa rin bumibitaw kasi mas di mo kakayanin kapag tuluyan na siyang mawala sayo. At sa kabila ng lahat, pinipilit mo paring maging matatag. Ganun talaga. Mahal mo kasi, mahal na mahal mo.


Para din ito sa taong marunong makuntento. 




Na kahit marami kang pwedeng makitang "mas" pa sa kanya, hindi mo parin siya lolokohin. Na kahit pwede mo din siyang iwan o ipagpalit sa iba dahil sa milyang distansya niyo, hindi mo pa rin ginagawa dahil alam mo ang salitang kuntento. Yung bang marinig mo lang yung boses niya sa phone o di kaya’y makita mo lang siya sa webcam, masaya ka na. Nabubuo na ang araw mo basta’t nakakausap mo lang siya. Yung natitiis mong walang physical contact, walang yakap o halik basta’t naipaparamdam niya parin sa puso mo yung pagmamahal niya sayo, sapat na yun. Ganun talaga. Mahal mo kasi, mahal na mahal.



Tiwala talaga ang kailangan sa isang long distancerelationship. Dahil sa tiwala pa lang na maibibigay mo sa kabila ng sobrang layo ng agwat ng distansya niyo, maipaparamdam mo na kung gaano mo siya kamahal. At dapat meron ka ring nakalaang oras sa kanya araw-araw. Oo, araw-araw, dahil sa malayo ka sa piling niya kaya kelangan mong iparamdam na nandyan ka pa rin at gusto mong maging parte ng araw niya. Siguro sa sitwasyong ganito, pwede mong sobrahan ang pagmamahal mo. Para siguradong aabot ito sa kanya lalo na’t kung dagat ang pagitan ninyo.


Tiis tiis lang. Sabi nga nila, "Good things happen to those who wait".


="Mr.R"=


Sabado, Mayo 16, 2015

IKAW ANG GAGAWA NG TADHANA AT PANAHON



IKAW ANG GAGAWA NG TADHANA AT PANAHON 


Ms. H
Naniniwala ka ba na may isang taong nakalaan para sa'yo? Naniniwala ka ba na sa tamang panahon ay makikita n'yo ang isa’t-isa at magtatapos kayo ng masaya? Yung tipong maraming bagay ang magiging dahilan para sabihin mong “soul mate kita!”. Marami kayong pagkakapareho at nagkakasundo kayo sa maraming bagay. Pero, yan nga ba ang sukatan para sabihin mong “TADHANA” mo s'ya?

Sa buhay mo, may makikilala kang isang tao na makakasundo mo, magiging masaya ka kapag kasama s'ya, hilig mo din ang mga hilig n'ya at hindi mo maiiwasang mahalin s'ya. Mayroon kayong pagkakaiba pero dahil kumportable kayo sa isa’t-isa handa n'yong tanggapin na kayo pareho, ay hindi perpekto. Mamahalin n'yo ang isa’t-isa pero sa maling pagkakataon. Mahuhulog kayo sa isa’t-isa pero sa hindi inaasahang sitwasyon. Masakit tanggapin na ang tadhanang inaasahan mo ay dumating sa maling panahon. Iyan na nga ba ang tadhanang matatawag? Itinadhana bang makilala at mahalin s'ya pero hindi naman s'ya magiging sa'yo? Kasama ba sa tadhana ang paasahin ka? 

WAG KANG UMASA SA TADHANA. IKAW ANG MAY HAWAK NG MGA DESISYON MO, IKAW ANG DRIVER NG SARILI MONG PAGLALAKBAY, IKAW LANG ANG GAGAWA NG TADHANA. WALANG TADHANA KUNG WALANG EFFORT.


Kahit pa sabihing malabo na ang lahat, kung mahal mo ang isang tao walang makakapigil sa’yo na patuloy syang mahalin. Hindi mo isusuko lahat para lang sa isang dahilan na pwede kayong paghiwalayin. Mahirap umaasa, pero mas mahirap magsisi. Minsan kasi kailangan mo lang ipaglaban para makuha mo yung para sa’yo.Hindi man s'ya dumating sa oras na gusto mo, dadating s'ya sa oras na kailangan mo.


Halo-halo ang laman ng blog na'to. Marunong akong makipag-kaibigan depende sa kung anong paraan mo gusto kitang tratuhin. Hindi ako magaling manghusga ng tao, hindi dapat at hindi ko gagawin dahil ayokong husgahan ako. ang blog na ito ay ang tanging paraan para takasan ko ang reyalidad na hindi ako kayang tanggapin ng buo kung ano ako. Kung pati dito, hindi mo ako matanggap wala ka ng magagawa ako ay isang tao lang di perpekto pero may rispito sa lahat ng bagay.
Mr. R

Di ko man masabi sa taong minahal ko na kahit alam ko na di pa niya ako ipinagmamalaki sa ibang tao. dahil para sa kanya ay may tamang panahon para sa amin at naniniwala sa don. Hmmmp.. para sa akin darating din yong mga panahon at oras na maipagmamalaki ya rin ako sa Pamilya niya at sa harap ng ibang mga tao. at masasabi niya rin sa iba na kahit ganito lang ako ay ipinagmamalaki niya rin ako gaya ng ipinagmamalaki ko sa kanya. sana lahat ay mag kakatutuo lahat sana dito sa nabasa niya ay maging  masaya siya. masaya na rin ako na nakilala ko siya at nakakausap nakakatext at nakakachat kahit ganon paman yong mga sitwasyon namin kahit subrang hirap non malaki pa rin tiwala ko sa kanya na darating ang araw na mag kikita pa rin kami at magkasama dahil alam kung mahal niya rin ako at sobrang mahal ko rin siya. pero kung nahihirapan na siya at di na niya kaya at kung makahanap man siya ng mas better pa sa akin di ko yon pipigilan para sa akin hangad ko kaligayahan ng taong mahal ko. Kung saan man siya masaya andon lang ako sa kaniya kung kinakainlangan niya.wink emoticon mas nananaisin ko na ako yong masaktan kaysa nakikita ko ang mahal ko na nahihirapan at nasasaktan dahil para sa akin mas mahalaga sa akin na nanatili siyang masaya kaysa nalulungkot.


Naniniwala kaba na ang pagmamahal ay dumadating sa tamang panahon?
Paano kung mangyari sayo ito? At ang taong minahal mo ay sa Computer at Cellphone mo lang nakikita at nakakausap?
Itataya mo ba ang puso mo kahit hindi mo alam kung matutugunan iyon?
Paano kung nalaman mong pinaglalaruan ka lang niya? Maniniwala kaba sa paliwanag nya o magbibingi bingihan ka nalang?
Hanggang san ka dadalhin ng pagmamahal mo? Kung ang tangi nagpapatibok nito ang unting unting pumapatay dito?
Matutugunan paba ang pagmamahal na inuukol mo sa isang babae o lalaki na tanging sa computer at cellphone lamang ang pagitan ninyong dalawa?
hiling na sanay dinggin ang dalangin ng puso ni 




=”Mr. R”=


"MAHALIN MO AT PAHALAGAHAN ANG BABAENG MAHAL MO"


"MAHALIN MO AT PAHALAGAHAN
 ANG BABAENG MAHAL MO"


Ang babae hindi pinapaiyak, dapat sila minamahal at pinahahalagahan. Ang babae ay dapat iniintindi. Kung mahal mo talaga siya dapat hindi ka gumagawa ng mga bagay na masasaktan siya. Dapat ipinaparamdam mo na hindi siya nag-iisa. Ang babae ay sadyang selosa kaya huwag ka ng gagawa pa ng ikase-selos niya, niligawan mo siya para mahalin at hindi para saktan. Hindi deserve ng isang babae ang katulad mong manloloko kaya umayos ka. 

Ang babae ay magaling magtago ng nararamdaman kaya huwag kang gagawa pa ng mga bagay na ikabibigat ng loob niya. Ang babae dapat pina-pangiti hindi pinapasimangot. Ang babae dapat binibigyan ng oras para sumaya hindi para mag-isip ng kung anu-ano. Dapat iparamdam nating mga lalaki na secure sila. Hindi naman mahirap yun, di ba?






="Mr. R"=