Hanapan ang Blog na Ito

Biyernes, Hunyo 5, 2015

MASARAP MASAKTAN SA KATOTOHANAN KAYSA SA PATULOY NA AASA SA ISANG KASINUNGALINGAN!



MASARAP MASAKTAN SA KATOTOHANAN  KAYSA SA PATULOY NA AASA SA ISANG KASINUNGALINGAN!


Hindi talaga natin mapiplease ang lahat ng tao. Kahit na sino pa kaya ka nilang saktan. Hindi mo sila makocontrol, ang tangi mo lang magagawa ay kontrolin sarili mo. Kung masasaktan ka sa nababasa o ginagawa mo, umiwas ka nalang. Kasi minsan kapag lalo mo pinapatulan, mas lalo sila nanggigigil. Dedmahin mo nalang, tingnan mo darating araw titigil sila, okaya naman iba na yung bibiktimahin nila. Parang sa pag-ibig, kung nasasaktan ka na sakanya at sa tingin mo ay sobra na, aba! Magdesisyon ka na agad. Gusto mo bang masaktan habang umaasang sasaya o masaktan panandalian pero sigurado na sasaya ka dahil hindi ka na masasaktan pa. Masaya kayo ngayon. Mahal na mahal mo siya at pinanghahawakan mo mga pangako niya sayo. Pero may mga sitwasyon na may magbabago, madalas na lagi away niyo. Masasaktan ka kasi hindi mo alam dahilan kung bakit siya nagbago at nanlamig sayo. 

Tipong ang dami niyang pangako sayo na ikinasaya mo. Na halos lahat sinakripisyo mo para sakanya. Ang mas masakit pa dun e yung iniwan at binitawan ka niya ng walang pag-aalinlangan. Pero ang mas sa mas masakit e yung gumawa siya ng dahilan para makipaghiwalay sayo, tulad ng hahanapin ko lang sarili ko. Wala na tayong oras sa isat - isa, hindi na nagwowork relasyon natin pero bandang huli ang tunay na dahilan lang e may iba pala siya. Ang sakit di ba. Sobrang sakit. May mga leksyon ng buhay na kailangan nating matutunan sa masaklap, masakit, o mapait na pamamaraan. Para tumatak sa isip. Para next time, alam mo na kung anong gagawin. Para hindi mo na ulitin. O para kung maulit man, alam mo na yung pakiramdam. Hindi na bago. Hindi na ganun kasakit. O kung maulit at ganun pa rin yung pakiramdam at least nalaman mo na makulit ka pala talaga. Na matigas pala talaga yang ulo mo. Na hindi ka pala talaga matututo. Yun ang isang magandang balita doon, nakilala mo ng mas malalim ang sarili mo. kung ginawa mo naman lahat para maayos relasyon niyo, pero ayaw na niya talaga. hayaan mo na siya. isipin mo nalang baka hindi talaga kayo para isat isa. nagkatagpo lang kayo para maging parte siya ng buhay mo at para mas matuto ka sa mga susunod mong relasyon. sa una ka lang malulungkot at kapag natanggap mo na hindi talaga kayo para sa isat isa, magiging masaya ka din at mahahanap yung taong para sayo.
kapag yung taong nagmamahal sayo ng sobra e pinagtatabuyan mo na pero pinipili niya pa din mag-stay, wag mo na pakawalan. kasi bibihira nalang yung mga taong mag-stay satin kahit na magulo o kumplikado pa relasyon. sila yung mga taong nagmamahal ng tunay at hindi agad agad sumusuko. pero wag mo abusuhin yung kahinaan niya. maaring hindi sumusuko yan sa ngayon sa mga pambabalewala mo. pero maari din mapagod yan. at kapag napagod yan, hindi na babalik sayo yan lalo na kapag natauhan na siya. 

habang nasa relasyon ka, isipin at gawin mo yung makakabuti sa inyo ng karelasyon mo. iwasan mo yung mga bagay na kinakagalit niya. pero may mga pagkakataong nagagalit siya o nagseselos sa mababaw na dahilan tapos mauuwi sa away yung selos na yun. minsan naman pinapalayo ka sa mga kaibigan mo, hindi naman lahat ng gusto ng karelasyon mo e susundin mo na. dapat alam mo sa sarili mo kung sinasakal ka na ba. kaya ka pumasok sa relasyon para sumaya hindi para ikulong o sakalin lang ng taong inakala mo e maiintindihan ka sa lahat ng pagkakataon. just enjoy your relationship without doubt.

Minsan, nakakapagtakang kahit na ginawa mo na lahat ay wala pa ring epekto kapag nawala na talaga ang pagmamahal niya sa ‘yo. Naiwanan ka sa laban na kayong dalawa ang nag umpisa. Parang taya-tayaan na ikaw ang naghahabol tapos nung nahabol mo siya ay umayaw siya bigla dahil pagod na siya kakatakbo palayo sa iyo. Parang nakikipaglaro ka nang patintero at hinihintay mo siyang dumaan sa ‘yo pero mas pinili niyang manatili sa harapan mo at kahit kailan ay hindi sinubukang tumawi... Ang pagsuko ay hindi nangangahulugang kaduwagan! Minsan, my mga bagay na kailangang I give up, hindi dahil pagod kana o sawa kana… kundi dahil.. alam mong kahit anung gawin mo… hindi na siya para sayo!

A guy asked a girl what’s her dream wedding: “a wedding of elaborate, elegance, a church filled with flowers and friends.. how about you?” then he answered, “the one that will make you my wife…”


Ayoko sana ikaw itxt kasi gusto ko mamiss mo naman ako at maisip mo mahalaga din pala ako sayo… yun nga lang pasensya na… hindi ako kasing tibay mo… na masaya kahit wala ako!
It’s hard to realize and to accept that the one I love has to go.. it hurts so much but I say, “kaya ko ito” tears fall… because what I really mean is… “shit paanu na ako??”:(
Dati hinahabol ko yung mahal ko pero hindi niya ako pinansin tapos isang araw nawala ako hinanap niya ako tinanong… bakit ka nagsawa?! Ngumiti ako hindi ako nagsawa natauhan lang…
Sabi nila huwag daw hanapin ang taong intindihin sayo, maghintay ka, sabi nila kusa siyang darating sa buhay mo, maghintay ka lang KALOKOHAN! Paano kung hinihintay ka rin niya? Eh di hindi na kayo nagkita?!
Minsan kailangan maghiwalay pasa magkasubukan, minsan kailangang masaktan para may matutunan, at minsan kailangan mo mag-isa para malaman mong siya na nga ba talaga o may darating pa!
Nakatanaw ako sayo ng my nagsalita; “mahal mo siya noh?” sabi ko; “hindi ah!” “kung hindi mo siya mahal, eh ano siya sayo?” sabi ko; “wala lang!” pag-alis niya nasabi ko, wala lang buhay ko lang!…




Sa buhay na ito… may nasasakatan at naiiwan… may lumuluha at patuloy na umaasa… pero mas masarap masaktan sa katotohanan… kaysa patuloy na aasa sa isang kasinungalingan!




="Mr. R"=