ANG LAHAT NG PAGHIHIRAP MO AY PAGSUBOK LANG
Pagsubok! Isang salitang pwedi magpatibay o magpawasak sa isang pagkatao. Isang salitang nagpapabago sa buhay ng isang nilalang. “A good life is a challenging life”. Hindi mo malalaman ang tunay na halaga ng buhay kung wala kang mararanasang pagsubok o pag hindi ka natutu mula sa mga pagsubok sa iyong buhay. Mga pagsubok lamang yan! Kaya natin yan lampasan kung may pananalig tayo sa itaas. Walang pagsubok na ibinigay sa atin na hindi natin kaya lampasan. Ibinigay sa atin ng Diyos ang pagsubok dahil may tiwala siya na kakayanin natin ito at alam niya na dito tayo matututo.
May mga pagkakataong dumarating sa buhay natin na sasabihin nating hindi na natin kaya at suko na tayo. Kahit na alam nating kaya pa natin itong baguhin, nasasabi at naiisip lang natin ang ganyang sitwasyon o pagkakataon dahil nasaktan tayo. Pero kapag yung sakit na naranasan natin ay lumipas muli tayong bumabangon at harapin ang bukas ng panibagong pagkakataon.Ganyan talaga ang buhay minsan nasailalim tayo at kapag natuto tayong tanggapin ang mga bagay-bagay na hindi talaga para sa atin diyan ulit tayo nag-uumpisa na muling sumubok.
DAHIL LAGI KA ANDIYAN SA AKINNG TABI PANGINOON |
Para sa lahat huwag tayong mawawalan ng pag-asa na sa kabila ng hirap at sakit ay palaging merong kapalit na kaginhawaan.Tulad ko noon akala ko diko na kaya na muling ibalik yung magagandang moment sa buhay ko nung nasadlak ako sa masalimuot na buhay na para bang wala ng kahihinatnan ang buhay ko.Konting payo lang po sa lahat basta may buhay tayo huwag mawawalan ng pag-asa huwag matakot harapin ang bukas upang makamit ang maganda at inaasam na mga pangarap. Dahil palaging nakasubaybay si LORD at palagi nya tayong ginagabayan.Yung mga masasama na nangyari sayo ay isa lang pagsubok na ibinigay nya sayo at ginagawa ka lang nyang matatag na TAO.Tibay at lakas lang ng loob ang ating kailangan kalakip ng pananalig sa POONG may KAPAL.
Its me your
="Mr. R"=
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento