Hanapan ang Blog na Ito

Sabado, Mayo 16, 2015

IKAW ANG GAGAWA NG TADHANA AT PANAHON



IKAW ANG GAGAWA NG TADHANA AT PANAHON 


Ms. H
Naniniwala ka ba na may isang taong nakalaan para sa'yo? Naniniwala ka ba na sa tamang panahon ay makikita n'yo ang isa’t-isa at magtatapos kayo ng masaya? Yung tipong maraming bagay ang magiging dahilan para sabihin mong “soul mate kita!”. Marami kayong pagkakapareho at nagkakasundo kayo sa maraming bagay. Pero, yan nga ba ang sukatan para sabihin mong “TADHANA” mo s'ya?

Sa buhay mo, may makikilala kang isang tao na makakasundo mo, magiging masaya ka kapag kasama s'ya, hilig mo din ang mga hilig n'ya at hindi mo maiiwasang mahalin s'ya. Mayroon kayong pagkakaiba pero dahil kumportable kayo sa isa’t-isa handa n'yong tanggapin na kayo pareho, ay hindi perpekto. Mamahalin n'yo ang isa’t-isa pero sa maling pagkakataon. Mahuhulog kayo sa isa’t-isa pero sa hindi inaasahang sitwasyon. Masakit tanggapin na ang tadhanang inaasahan mo ay dumating sa maling panahon. Iyan na nga ba ang tadhanang matatawag? Itinadhana bang makilala at mahalin s'ya pero hindi naman s'ya magiging sa'yo? Kasama ba sa tadhana ang paasahin ka? 

WAG KANG UMASA SA TADHANA. IKAW ANG MAY HAWAK NG MGA DESISYON MO, IKAW ANG DRIVER NG SARILI MONG PAGLALAKBAY, IKAW LANG ANG GAGAWA NG TADHANA. WALANG TADHANA KUNG WALANG EFFORT.


Kahit pa sabihing malabo na ang lahat, kung mahal mo ang isang tao walang makakapigil sa’yo na patuloy syang mahalin. Hindi mo isusuko lahat para lang sa isang dahilan na pwede kayong paghiwalayin. Mahirap umaasa, pero mas mahirap magsisi. Minsan kasi kailangan mo lang ipaglaban para makuha mo yung para sa’yo.Hindi man s'ya dumating sa oras na gusto mo, dadating s'ya sa oras na kailangan mo.


Halo-halo ang laman ng blog na'to. Marunong akong makipag-kaibigan depende sa kung anong paraan mo gusto kitang tratuhin. Hindi ako magaling manghusga ng tao, hindi dapat at hindi ko gagawin dahil ayokong husgahan ako. ang blog na ito ay ang tanging paraan para takasan ko ang reyalidad na hindi ako kayang tanggapin ng buo kung ano ako. Kung pati dito, hindi mo ako matanggap wala ka ng magagawa ako ay isang tao lang di perpekto pero may rispito sa lahat ng bagay.
Mr. R

Di ko man masabi sa taong minahal ko na kahit alam ko na di pa niya ako ipinagmamalaki sa ibang tao. dahil para sa kanya ay may tamang panahon para sa amin at naniniwala sa don. Hmmmp.. para sa akin darating din yong mga panahon at oras na maipagmamalaki ya rin ako sa Pamilya niya at sa harap ng ibang mga tao. at masasabi niya rin sa iba na kahit ganito lang ako ay ipinagmamalaki niya rin ako gaya ng ipinagmamalaki ko sa kanya. sana lahat ay mag kakatutuo lahat sana dito sa nabasa niya ay maging  masaya siya. masaya na rin ako na nakilala ko siya at nakakausap nakakatext at nakakachat kahit ganon paman yong mga sitwasyon namin kahit subrang hirap non malaki pa rin tiwala ko sa kanya na darating ang araw na mag kikita pa rin kami at magkasama dahil alam kung mahal niya rin ako at sobrang mahal ko rin siya. pero kung nahihirapan na siya at di na niya kaya at kung makahanap man siya ng mas better pa sa akin di ko yon pipigilan para sa akin hangad ko kaligayahan ng taong mahal ko. Kung saan man siya masaya andon lang ako sa kaniya kung kinakainlangan niya.wink emoticon mas nananaisin ko na ako yong masaktan kaysa nakikita ko ang mahal ko na nahihirapan at nasasaktan dahil para sa akin mas mahalaga sa akin na nanatili siyang masaya kaysa nalulungkot.


Naniniwala kaba na ang pagmamahal ay dumadating sa tamang panahon?
Paano kung mangyari sayo ito? At ang taong minahal mo ay sa Computer at Cellphone mo lang nakikita at nakakausap?
Itataya mo ba ang puso mo kahit hindi mo alam kung matutugunan iyon?
Paano kung nalaman mong pinaglalaruan ka lang niya? Maniniwala kaba sa paliwanag nya o magbibingi bingihan ka nalang?
Hanggang san ka dadalhin ng pagmamahal mo? Kung ang tangi nagpapatibok nito ang unting unting pumapatay dito?
Matutugunan paba ang pagmamahal na inuukol mo sa isang babae o lalaki na tanging sa computer at cellphone lamang ang pagitan ninyong dalawa?
hiling na sanay dinggin ang dalangin ng puso ni 




=”Mr. R”=


"MAHALIN MO AT PAHALAGAHAN ANG BABAENG MAHAL MO"


"MAHALIN MO AT PAHALAGAHAN
 ANG BABAENG MAHAL MO"


Ang babae hindi pinapaiyak, dapat sila minamahal at pinahahalagahan. Ang babae ay dapat iniintindi. Kung mahal mo talaga siya dapat hindi ka gumagawa ng mga bagay na masasaktan siya. Dapat ipinaparamdam mo na hindi siya nag-iisa. Ang babae ay sadyang selosa kaya huwag ka ng gagawa pa ng ikase-selos niya, niligawan mo siya para mahalin at hindi para saktan. Hindi deserve ng isang babae ang katulad mong manloloko kaya umayos ka. 

Ang babae ay magaling magtago ng nararamdaman kaya huwag kang gagawa pa ng mga bagay na ikabibigat ng loob niya. Ang babae dapat pina-pangiti hindi pinapasimangot. Ang babae dapat binibigyan ng oras para sumaya hindi para mag-isip ng kung anu-ano. Dapat iparamdam nating mga lalaki na secure sila. Hindi naman mahirap yun, di ba?






="Mr. R"=