MALIGAYANG ARAW SA LAHAT NG MGA NANAY (HAPPY MOTHERS'DAY)
ITO AY PARA SA LAHAT NG NANAY.....
Paano mo nagagawa ang lahat ng mga bagay ng sabay-sabay? Paano mo kami minamahal ng pantay-pantay? Tanging ang dakilang pusong mapagmahal ng isang ina ang kakayaning gawin ang lahat ng mga bagay na hindi ko inakalang posibleng gawin. Mahal na mahal kita!
Malungkot ang tahanan kung ikaw ay wala. Iba ang sayang dulot ng iyong presensya. Makita ka lang naming ay buo na ang araw at nakatitiyak kaming magiging maganda ang buhay. Maraming salamat Nanay!
Kung may mga pagkakataong hindi kita pinakikinggan, patawad po. Sa mga sandaling hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo, iyon ay dahil sarado ang isip ko sa iyo. Patawad sa mga sakit na dulot ko. Pangako na magiging mabuti na akong anak para sa iyo. Maligayang Araw ng mga Ina sa iyo!
Ipagdiwang natin ang araw na ito! Hindi man araw-araw na naipaparamdam naming ikaw ay mahalaga, sa araw na ito damhin mo ang nag-uumapaw naming pagmamahal at pag-aalaga sa iyo! Maligayang araw ng mga Ina!
Dakila ang lahat ng mga ina. Ang kanilang trabaho araw-araw ay di magagawa ninuman. Ang kanilang pagmamahal ay dalisay at tapat. Maligayang Bati sa lahat ng mga Ina!
Sa araw na ito ay marapat lang na ating ipagdiwang ang dakilang pagmamahal ng isang tao na handang ialay ang kaniyang buhay para sa kanyang mga anak. Mahal na mahal kita Nanay!
Mapalad ako na ikaw ang aking Nanay. Sana manatili kang mabuti at mapag-arugang ina. Maligayang Araw ng mga Ina!
Sa pinakadakilang tao sa ating buhay, ang ating Ina. Maligayang Araw sayo!
Sa lahat ng sakripisyo… Sa lahat ng pag-aaruga… Sa lahat ng pagmahal… Tunay na walang makapapantay sayo. Maligayang araw sa lahat ng mga Ina!
Pag-aalagang walang kapantay… Pagmamahal na walang hinihintay na kapalit…Pang-unawang hindi masusukat… Maraming Salamat Sayo, Nanay ko. Ikaw ang number one!
MA MIMIS KO PO KAYO KAHIT DITO MAN AKO SA MALAYO AT WALA PO SA INYO NGAYON NADARAMA KO PA RIN ANG PAGMAMAHAL NINYO BILANG ISANG INA. SALAMAT PO DAHIL SA INYO NATUTUTO AKONG MAG-PAHALAGA SA MGA BAGAY-BAGAY , DAHIL DIN PO SA INYO NATUTO PO AKONG MAGING MATATAG SA BAWAT HAMON NG BUHAY NAGING MATATAG PO AKO DAHIL PO SA INYO NAGING MALAPIT PO AKO SA PANGINOON DAHIL SA INYO NAGING ISANG MALAKING INSPERASYON KO PO SA BUHAY DAHIL PO SA INYO ANG LAHAT PO NA NANGYARI PO SA AKIN NGAYON KUNG ANO MAN YONG NA ABOT KO NGAYON DAHIL PO SA INYO. I LOVE YOU MAMA.. :) GOD BLESS ALLWAYS.. :)
HAPPY BIRTHDAY MAMA MORE BLESSING PA SANA ANG DARATING SA INYO I LOVE MAMA. :)
From: ="Mr. R"=
To: ="My Mama "Mayflor A. Basco" :)