NAKA MOVE ON NABA AKO?
Ilang
taon na pala ang nakalipas. Ang bilis ng panahon. Kamusta na nga ba ako ngayon?
Last 3year lang, I was broken. Niloko, pinalitan at iniwanan.
Inaamin ko, naging bitter ako. Feeling ko noon ang malas kong tao. Bakit naman
kasi maiinlove pa ako, dun pa sa isang manloloko?
Noong
una, akala ko hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano ko sasanayin ang sarili
ko na mamuhay nang wala siya. Pero kaya ko naman pala. Sa una lang mahirap. Sa
una lang masakit… Pero
kaya. At ngayon ito ang tanong ko sa sarili ko:
Nakamove on na ba talaga ako?
Naglipana
ang mga books, articles or blogs telling the steps on how to move on. Karamihan
doon ay nakatulong. At para sa akin, ito ang pinakaeffective sa lahat –
BLOCK.
I
blocked him in all of my social networking accounts. I blocked him on my phone
(using an apps). I
blocked him totally in my life.
Sabi nila kabitteran daw iblock ang ex. Bitter
na kung bitter. Eh sa iyon ang way ko para makapagmove on. Paano ako
makakapagmove on kung araw araw ko makikita ang pagmumukha nila at yung
paglalandian nila ng bagong bf nya? Torture yun on my part. At ayokong
magtapang tapangan at magpretend na hindi ako apektado.
I stay away from him.
And
now, I feel better.
I’m
better off without him in my life.
Feeling
ko I’m done and over with the pain. Taas noo kong pinangangalandakan na OK na
ako. Masaya na ako na wala na siya sa buhay ko. Move
on na move on na ako.
Pero enough na nga ba yun? Masaya nga ba talaga ako? Nakamove on
na ba talaga ako?
Paano mo ba masasabing nakamove on ka na?
Kapag hindi mo na hinihintay yung text/call niya? Kapag hindi ka
na nalulungkot sa tuwing maririnig mo yung theme song ninyo? Kapag kaya mo nang
itapon o itago lahat ng mga nagpapaalala sa kanya tulad ng mga regalo o
litrato? Kapag hindi ka na apektado makita mo man siyang may kasamang iba?
Kapag tinigil mo na ang pagiging stalker sa mga social network accounts niya?
Kapag nakalimutan mo na siya? Kapag may bagong bf/gf ka na? Ganun ba yun?
Madali lang naman sabihin na nakamove on ka na eh. Madaling
magkunwari na masaya ka. Madaling makipagplastikan. Madaling kumuha ng kapalit
niya at magkaroon ng bagong karelasyon. Pero ang tanong, nakamove on ka ba
talaga?
I examined myself and found out that all of those efforts of
moving on will be useless if you don’t have these two:
ACCEPTANCE
You can
never move on to the next chapter of your life if until now hindi mo pa rin matanggap
na wala nakayo. Kung umaaasa ka pa rin na
babalikan ka niya. Para makapagmove on, kailangan mong tanggapin ang
katotohanan hindi ka na kasali sa mundong ginagalawan niya. Acknowledge the
pain and accept your fate. Isipin mo na lang na hindi siya worth para sa
iyo. Na may taong darating na mas deserving sa pagmamahal mo. Siya yung
taong magpapasaya ulit sa iyo. Isang tao na tunay na magmamahal sa iyo at hindi
ka lolokohin at iiwanan tulad ng ginawa ng ex mo.
FORGIVENESS
This is
the hardest thing to do – to forgive someone who hurts you a
lot. It’s more difficult to forgive if your ex never asked for your forgiveness.
But you have to do this, not for your ex, but for yourself.
“Holding
on to anger is like grasping a hot coal with the intent of throwing it at
someone else; you are the one who gets burned.”
Alisin mo na ang galit sa puso mo. Hindi ito makakabuti sa iyo.
Ikaw ang lugi. Habang ang ex mo ay masaya na sa piling ng iba, ikaw naman ay
naistress, nagkawrinkles o pumangit pa, at may possibility pang magkaroon ng
heart attack dahil sa galit na nasa puso mo.
Kung ayaw mong pumangit at mamatay ng maaga, patawarin mo na
siya.
Now if
you’ll ask me this: may acceptance at forgiveness ka na ba?
Hindi ko maisusulat ang blog na ito kung bitter pa rin ako.
Inaamin
ko, the break up hurts me a lot. Tulad mo, I went through the different stages
of grief: denial, anger, bargaining, depression. Tulad ng iba, gusto ko din
noon ipakulam ang ex ko at yung maharot na lalaki niya. Hiniling ko din na sana
madapa siya at mabungi yung front teeth niya bilang karma. Pero dumating ako
sa point na napagod na akong magalit. Enough na. And now, I’m on acceptance and forgiveness stage na.
Napatawad ko na siya. Kung pinagpalit o iniwan man niya ako,
iyon ay dahil may pagkakamali o pagkukulang din ako sa kanya.
Tanggap ko na hindi kami ang para sa isa’t isa. But I’ll never
regret loving him because once in my life, naging masaya ako sa piling niya.
The
most important is there’s a lesson learned.
May natutunan ako.
Natuto akong magmahal.
Natuto akong tumanggap ng pagkatalo at pagkabigo.
Natuto akong magpatawad.
Sa ngayon, hiniling ko na lang na sana tumino na yung ex ko.
Sana hindi na niya ulitin yung mga maling ginawa niya para wala nang isa pang
Eba ang iiyak at masasaktan kung lolokohin at iiwanan nya.
Now, ikaw
naman. Examine yourself… Nakamove ka na ba talaga?
="Mr. R"=
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento