Kamusta na nga ba ako?
Uhm, naka graduate na pala ako ng
2years sa (CPNCII) Computer
Programming
NCII. Pero heto padin ako, nag aaral padin. Hehe. Tinuloy ko na din para
magkaron ng degree yung pinag aralan ko nag aral ako ulit dahil di kasi ako
nakuntinto nahihiya ako sa sarili ko dahil sa mga tao kasi sabi baba nang pinag
aralan ko. Syempre sa panahon ngayon, madami nang nag iinarteng company diba?
Gusto nila yung janitor nila nakapag tapos ng kahit 2years manlang. Yung iba
nga ata 4years eh. Haha! Pero wala naman akong balak mag apply ng ganong
klaseng trabaho, though hindi ko naman minamaliit dahil marangal namang trabaho
yun kasi naranasan ko kasing mag trabaho na Janitor din yong posisyon ko di ko
rin ikinahiya yon bilang isang Janitor marangal din ang trabahong niyan kesa sa
pagsasayaw sa gabi sa mga gusaling patay sindi ang mga ilaw. If you know what I
mean. Hehehe.
Look ohh na iiba yong suot namin parang high school graduate lang ako dito hehehe.. di manlang itim yong tuga namin tinitipid ata kami nong time na yon hahaha.. |
Computer Hardware, (DVTS) Dumalag Vocational Technical School.
Naks. Mas maganda pakinggan. Yong dati kasi nag aaral ako sa CAPIZ STATE UNIVERSITY
Dumarao, Campus, (CAPSU) Computer Programming. Haha! Naalala ko tuloy yung
movie ni Jericho Rosales na “ABNKKBSNPLAKO” ba yun? Haha! Di sigurado. Pero
kasi may dialog sya dun na parang.. “Hindi sa University, hindi sa College, sa
Computer Programming, lang?” Haha! Bigla akong nahiya eh. Lalo na’t naisip ko
na parang nasayang lang yung tuition fee ko dun. Pero hindi naman pala kasi
nagagamit ko naman na kikitaan ko naman yong mga napag – aralan ko sa Computer
at na paaral ko na rin sarili ko bukod sa na paaral kuna sa sarili ko naka
tulong pa ako sa mga kapatid ko naka pag padala na rin ako at naka pag tapos ng
mga kapatid ko sa College yon pero sulit naman at di na
sayang yong mga
paghihirap ko dito na maka hanap ng extrang makikitaan para sa sarili ko at sa
mga kapatid ko. Masaya ako dahil nakikita ko na rin yon sa kapatid kung babae
nong nakapagtapos siya ng Teacher Education, at Good News na rin sa akin bilang
kuya niya dahil naka pasa siya sa Board Exam nakita kuna nalang sa Iternet noon
yong pangalan niya at iba pang Family namin naka sulat doon yong Roll of Successful Examinees in the L.E.T. - SECONDARY - All Regions Held on MARCH 29, 2015 nakita ko dito sa link
na ito. : https://drive.google.com/file/d/0B-GWPsP_j7pSZF9Kb1QtVTR4WWM/view?pli=1
. masaya na rin ako kahit papano dahil nakapasa siya :).
Sister Gretchen ko nasa kanan at bestfriend niya yong nasa kaliwa niya. |
Tungkol naman sa akin simula kasi nung nag aral ako dito sa CAPSU, naisip kong walang wala pala yung mga tinuturo dun kesa sa mga tinuturo dito. Maning mani kumbaga. Though nag enjoy naman ako kahit papano at may natutunan din ako ng malaki sa school ng CAPSU pero di ibig sabihin ikinahiya ko yong paaralan na tinapusan ko proud pa rin akong CapSunian, at nangkaron ako ng mga kaibigang akala mo may mga sira sa ulo, haha! Doon din ako bumuo ng sarili kung barkada na ako mismo ang kumilala sa (13) labing tatlong taong nakilala ko na bumuo ng B.W.I noong August 22, 2011.
Nandito nga pala ako ngayon sa Kwarto ko nag aaral kahit di pa
pasukan. Naman kailangan paghandaan Pinag aaral ko nga pala ngayon ng sarili
kung pagsisikap, pero dito rin po ako naka tira ngayon sa Visayas nasa Tito ko
pinsan ng Mama ko kapatid ng Lola ko yong Nanay ng Tito ko na tinitirahan ko
ngayon. Sana, sana wag ako mawalan ng
makikitaan sa mga oras na kinakailangan ng pera sa time na iyon at sana naman na
darating din yong time na may makuha akong suporta galing sa pamilya ko sa oras
na kinakailangan ko kailangan ko to gawin di lang sa sarili ko kundi dahil
narin sa Future ko na rin at sa hinaharap ng buhay ko. Alam kung di madali para
sa akin gawin to kasi midyo bobo din ako minsan sa English at Math minsan kaya
kaylangan kung mag tyaga sa mga kahinaan ko kailang ko tung matutunan at mapag –aralan
kung ano yong kahinaan ko sa isang bagay dahil alam kung don rin ako matututo
at para na rin di na ako mahirapan pa nakakahiya naman sa taong minamahal ko
ngayon dahil siya mataas ang pinag aralan niya kaysa sa akin. At wala pa akong
iharap sa kanya pag nagkita
kami wala siyang ipagmamalaki sa akin dahil wala
ako tulad ng mga bagay na pinapangarap niya sa isang lalaki tanging ma iharap
ko lang sa kanya kung anong miron ako ngayon sa buhay ko. Pero mag sisikap
parin ako para sa kanya at sa sarili ko na balang araw maipagmamalaki niya rin
ako. Iwan ko lang kung talagang maghihintay siya sa akin sana naman
makapaghintay siya tulad ng sinabi niya noon na maghihintay siya hanggang sa
dumating na yong tamang panahon para sa amin.
napapansin niyo ngayong naka salamin na ako dahil na rin kasi sa lagi akong nakatutok sa Computer mapa araw man o gabi siguro ito na yong epekto ng 13hrs. sa pag tutok sa Computer. |
at sa umaga laging nasa Computer Shop na rin kasi andon ako laging nakatambay kaya midyo pangit na rin yongg look ko waaaaaaa... hahaha.. |
May girlfriend nga pala ako, SweetHazel name nya. Kaya lang
nakalimutan ko kung kailang niya akong sinagot kaya wala akong matandaan na
araw ng Monthsary namin sana manlang malaman ko rin na kahit papano matandaan
ko na rin kung ilang araw o buwan o taon na kami L . di ko pa yan
nakikita sa personal tangging Internet at cellphone lang yong pagitan naming
dalawa sabi daw nila mahirap ang ganitong relasyon sabi ko hindi mahirap to pag
seryoso kami sa isat-isa na magsama di mahirap ang relasyong ito pag malaki ang
tiwala mo sa kanya at malaki din ang tiwala niya sayo na magkikita at magkasama.
Tiwala lang po tayo sa isat – isa dahil dito lang ako lagi para sayo ;)
Hanggang dito
lang muna yong sulat ko hehehe.. abangan niyo nalang yong susunod hehehe..,
Kunting real Video lang naman nagawa ko pag walang magawa like this :) pero di rin ginawa parang wala lang dito sa maririnig na kanta na to na isinama ko sa Video na may mga larawan na napili ko at sa lahat ng nakikita ninyo sa Video na kakaiba like kidlat, ulan, snow, kuryenti, storm at iba pa ay may mga kahulugan sa buhay ko. parang ganito ka lungkot yong buhay ko pag mawala yong taong mahal na mahal ko ngayo. :(
Matanong kita..
eh ikaw?
Kamusta ka naman? :)
=”Mr. R”=