Hanapan ang Blog na Ito

Biyernes, Mayo 29, 2015

"MALIGAYANG PAGTATAPOS SA BATCH 2015"


"MALIGAYANG PAGTATAPOS SA BATCH 2015"


Ngayong buwan ng Mayo araw ng Sabado ng (30) tatlongpo. may mga magtatapos na naman ngayong buwan ng Mayo lalong-lalo na sa College. nais kung batiin ang napakahalagang babae at isang taong importante sa buhay ko na si Ms. SweetHazel Bancod. binabati kita ng isang maligayang pagtatapos sa wakas tapos ka narin sa buhay estudyante at sa iba pa niyang mga ka klasi at kasama ngayong magtatapos sa College Congratulations po sa inyong lahat.. :) 


“If we do not plant knowledge when young, it will give us no shade when we are old.”
Graduation na naman, sa lahat nga Graduates, Congratulations!.
And you’ll facing the new chapters for your life. This is not the end, were just in the beginnings.

Sa mga Elementary at para sa High School good luck sa College good luck sa Job Hunting, akala nyo tapos na, New Chapter ulit.. Isa ito sa pinakamahirap, MAG HANAP ng TRABAHO, college Graduate kana hindi ka pa rin makatrabaho, B.SI.T tinapos mo pero cashier ka LANG. Walang masama kung hindi man yung tinapos mo ang position mo, ang importante nag tratrabaho ka ng marangal at hindi kana pabigat sa magulang mo.. Ang pinag-aralan hindi yan nawawala nadadagdagan yan.. 



Ms. SWEETHAZEL BANCOD

Congratulations sayo Ms. H :) ngayon magtatapos kana. Yes! Finally! Tapos na ang madugong exam, nakaka-stress na thesis defense mo, nakakapuyat na reporting at kung anu-ano pang pagsubok ng buhay estudyante mo.


Pero sure akong mamimiss mo ang kulitan ng barkada ninyo, tawanan ng buong section, bonding sa mall ng mga kaklase mo mga kaibigan mo, mga nakakatawa at epic fail na kwento ng buhay estudyante niyo, yung mga professor na naging friends niyo na rin, yung mga overnight para sa project na nauuwi sa magdamag na kwentuhan at tawanan, yung mga
cramming sa paggawa ng reports and assignments, yung minsang nakakahaggard na event at mga seminar na pinuntahan niyo. Nakakamiss yun!



Pero ngayong graduate ka na, I want to congratulate to you at yung mga taong nagpaaral sa'yo, yong mga taong insperation mo sa buhay nong ikaw pa ay nag - aaral pa like Sister, Brother, Friends at sa iba pa na naging tulay sa patuloy mong pangarap na makapagtapos sa coursong nakuha mo ngayon at sa pinaka mamahal mong Tatay na siyang tumaguyod sayo upang makatapos ka sa iyong pag-aaral. Finally! Makikita mo na ang bunga ng mga sakripisyo, pagod at luha ng pag-aaral at pagpapaaral. ngayong tapos kana oras na naman para suklian naman natin yong mga taong naging tulay o tumulong sa atin noon habang nag - aaral pa tayo. lalong lalo na sa ating mga magulang na siyang dahilan kung bakit tayo ngayon nakatapos.

..hmmmp.." sabi nila ngayong tapos kana sa iyong pag - aaral pwedi mo nang gawin ang gusto mo sa buhay malaya ka kung anong gusto mo nasa iyo daw yan kung ano pipiliin mong daan para abotin yong minimithi mong mga pangarap. may mga disisyon na pweding mag-asawa ng maaga total tapos kana may mga disisyon na patuloy pa rin sa mga pangarap na di nag - aasawa. dahil may hinihintay sa buhay o tinatawag nilang Dreamboy or Dreamgirl ng buhay mo. basta ang alam ko kung saan ka masaya andon lang ako sasamahan kita ;) dahil alam kung mabuting tao, anak at mapagmahal na Ate ka sa mga Kapatid mo masaya ako dahil nakilala kita nag tiwala sa lahat ng mga kakayanan mo at unang umahanga sa husay at galing mo. kaya
smile emoticon

Pasalamatan natin yung mga taong tumulong sa atin para makapag-aral tayo lalong lalo na sa Family natin. 
smile emoticon



Congratulations ulit! 





ABOUT ME AND MY EXPERIENCE 

Ang araw ng pagtatapos ay ang araw kung saan binibigyang parangal ang mga estudyanteng maluwalhating nakapagtapos sa pag-aaral. Ito ay pagpapatunay ng kanilang napagtagumpayan sa loob ng ilang taon ng pagsisikap at pagbubunyi. Ito ay masaya dahil sa wakas makikita na rin ang bunga ng ilang taong paghihirap at pagsisikap sa pag-aaral. Ang araw na ito ay simula ng panibagong kabanata sa buhay ng isang mag-aaral tungo sa mas malawak pang karanasan. Kaya bilang isang mag-aaral, magiging isang napakagandang karanasan para sa akin ang makapagtapos sa Elementarya, High School at College. Ito ay isang karanasang hinding hindi ko malilimutan. Ngayon pwedi na akong maipagmamalaki ng aking mga magulang.



Ito yong larawan ko nong naka pagtapos ako ng High School super cute no hahaha.. naman habulin yan dati ng mga babae pati ba naman yong mga gay pero ako naman walang gana sa kanila ang alam ko lang non dati nong high school ko basag ulo lang away dito away doon. gala dito gala doon. nong time na nahuli ako ng Mama ko sa school " ayon nag matino lumipat ng ibang school at nag - aral ng mabuti para makatapos kasi last chance na ibinigay sa akin ng Tatay para maka pag - aral ulit at makatapos sa High School. 

bago ako nakatapos sa High School dami ko rin naka away doon sa School na yon kadalasan mga Muslim Ilocano yon parang mga adik kasi mga kaibigan ko naman sila pero sinusuyo ba naman akong uminom at maninigarilyo kahit alam naman nila na di ako ganon oO basaguliro nga ako dati pero pag dating sa bisyo tilad ng paninigarilyo at pag inom wala ako non buti pang yayain nalang nila akong kumain baka may take out pa akong makuha sa kanila :). O di ba bukod sa nakakain kana busog kapa may take out pa.. hahaha.. biro lang po di naman ako ganon ka takaw pag dating sa pagkain :) ayonn sa awa ng Dios dahil goodboy dahil nag matino na ayon naka pag tapos din ng high school life ko :). 

Ang sarap sa pakiramdam na graduate na ako ng high school. Haaaay. Konting araw palang kaming hindi nagkakasama-sama ng mga kaibigan ko. Miss ko na kaagad sila. Wala e, kailangan talagang mag move sa next chapter ng life. Goodbye High school. I’ll miss you ~


“Every day my experience and knowledge increase and I learn more about myself.”


Just always do you Best and God will do the Rest.



EXPERIENCE:

HIGH SCHOOL LIFE IS THE BEST!


Yes!!" Graduate na Ako..

“Heto na ang pinakahihintay kong araw…”
pag gising ko yun ang sabi ko sa sarili ko ….. medyo malungkot kahit wala yong mga parents mo at mga kapatid mo sa tabi mo sa araw na iyong pag tatapos sa Kolehiyo at minsan super lungkot dahil kasi wala ng mangbubully sa akin sa pangangasar, kahit halos lahat hindi ko nakaclose, we still had good memories kahit papaano di ba? iiyak din dapat ako pero nagpaka tapang ako na hindi ako umiyak :’D hahaha sa bahay ko iniyak WHAT?! HAHAHA sa mga bati nila na “congrats, graduate na tayo”, ang sarap pakinggan :’) 

Guardian angels, kahit medyo hindi maganda minsan ang samahan natin, hinding hindi ko kayo makakalimutan, you guys will always be in my heart, salamat sa lahat lahat <3.


Graduation is only a concept.  In real life every day you graduate.  Graduation is a process that goes on  until the last day of your life.  If you can grasp that, you’ll make a difference.



The secret of success is learning how to use pain and pleasure instead of having pain and pleasure use you. If you do that, you're in control of you life. If you don't, life controls you.

Look yong larawan ko mukahang matanda na hahaha.. pumangit na tumatanda kasi hahaha..


Graduateeee na na talaga akooooo :))
They say good things come to those who wait! Well it’s been worth the wait  LOVE my life and everyone in it. 


Finally after 13 years of studying (preparatory, grade 1 to grade 6, high school to college and Working.) the long wait is over. sa lahat ng to my loving God, PARENTS, MY UNCLE AND my Self for their continuous support and love, and most especially to our God hindi niya ko pinabayaan, and HE’s always there to guide me and give me strength whenever i fall down. kung hindi dahil saknila wala ako sa kinalalagyan ko ngayon :D
sa mga ka-batch ko TILL WE MEET AGAIN ika nga natin kanina diba?? CONGRATULATION SA'TIN :))




Captesa Day 2012

A video taken during the CAPTESA Day 2012 and celebration of TVET Week/TESDA 18th Year Anniversary held at Villareal Stadium, Roxas City with the Theme:"Alay ng TESDA - Kagalingan, Kaalaman, kasanayan Para sa Magandang Kinabukasan."

Part of the activity was a dance showdown between students of different member schools of Capiz TESDA Schools Association (CAPTESA) and a cultural presentation.

Mga tawanan at yong sayang di makakalimutan sa sayawan.



..yong tipong ayaw mong sumayaw pero napapa indak ka sa ka kulitan nila.



..nakaka baliw sa subrang sayaw hahaha..



yong tipong sabi mo di ka marunong mag sayaw pero na papasayaw ka pag sila na ang kasabay mo batch 2009.


It is in fact a part of the function of education to help us escape, not from our own time -- for we are bound by that -- but from the intellectual and emotional limitations of our time.

Ito naman ay larawan namin sa Captesa, nasa College na ako dito.
CAPTESA is an organization of schools in the Province of Capiz and Roxas City that is offering courses and trainings for skilled workers under the supervision of TESDA. Capiz TESDA Schools Association, Inc. (CAPTESA) was established in 1999 and at present with 16 members schools. As a Hectic Capiznon Blogger of 2009, I’m proud to be part of CAPTESA.


Education is the most powerful weapon which you can use to change the world.




="Mr. R"=



Sabado, Mayo 23, 2015

"LONG DISTANCE RELATIONSHIP"


"LONG DISTANCE RELATIONSHIP"

Para lang 'to sa taong matatapang. 

Yung tipong sobra ka ng nahihirapan at nasasaktan, pero patuloy ka paring lumalaban at walang sawang naghihintay kahit gaano man ito katagal hanggang sa muli niyong pagkikita. Yung bang halos mabaliw ka na sa sobrang pagkamiss, yung tipong gusto mo siyang lambingin pero di mo magawa kaya iiyak ka na lang at pilit mong kinakaya. Sobrang hirap man, di ka pa rin bumibitaw kasi mas di mo kakayanin kapag tuluyan na siyang mawala sayo. At sa kabila ng lahat, pinipilit mo paring maging matatag. Ganun talaga. Mahal mo kasi, mahal na mahal mo.


Para din ito sa taong marunong makuntento. 




Na kahit marami kang pwedeng makitang "mas" pa sa kanya, hindi mo parin siya lolokohin. Na kahit pwede mo din siyang iwan o ipagpalit sa iba dahil sa milyang distansya niyo, hindi mo pa rin ginagawa dahil alam mo ang salitang kuntento. Yung bang marinig mo lang yung boses niya sa phone o di kaya’y makita mo lang siya sa webcam, masaya ka na. Nabubuo na ang araw mo basta’t nakakausap mo lang siya. Yung natitiis mong walang physical contact, walang yakap o halik basta’t naipaparamdam niya parin sa puso mo yung pagmamahal niya sayo, sapat na yun. Ganun talaga. Mahal mo kasi, mahal na mahal.



Tiwala talaga ang kailangan sa isang long distancerelationship. Dahil sa tiwala pa lang na maibibigay mo sa kabila ng sobrang layo ng agwat ng distansya niyo, maipaparamdam mo na kung gaano mo siya kamahal. At dapat meron ka ring nakalaang oras sa kanya araw-araw. Oo, araw-araw, dahil sa malayo ka sa piling niya kaya kelangan mong iparamdam na nandyan ka pa rin at gusto mong maging parte ng araw niya. Siguro sa sitwasyong ganito, pwede mong sobrahan ang pagmamahal mo. Para siguradong aabot ito sa kanya lalo na’t kung dagat ang pagitan ninyo.


Tiis tiis lang. Sabi nga nila, "Good things happen to those who wait".


="Mr.R"=


Sabado, Mayo 16, 2015

IKAW ANG GAGAWA NG TADHANA AT PANAHON



IKAW ANG GAGAWA NG TADHANA AT PANAHON 


Ms. H
Naniniwala ka ba na may isang taong nakalaan para sa'yo? Naniniwala ka ba na sa tamang panahon ay makikita n'yo ang isa’t-isa at magtatapos kayo ng masaya? Yung tipong maraming bagay ang magiging dahilan para sabihin mong “soul mate kita!”. Marami kayong pagkakapareho at nagkakasundo kayo sa maraming bagay. Pero, yan nga ba ang sukatan para sabihin mong “TADHANA” mo s'ya?

Sa buhay mo, may makikilala kang isang tao na makakasundo mo, magiging masaya ka kapag kasama s'ya, hilig mo din ang mga hilig n'ya at hindi mo maiiwasang mahalin s'ya. Mayroon kayong pagkakaiba pero dahil kumportable kayo sa isa’t-isa handa n'yong tanggapin na kayo pareho, ay hindi perpekto. Mamahalin n'yo ang isa’t-isa pero sa maling pagkakataon. Mahuhulog kayo sa isa’t-isa pero sa hindi inaasahang sitwasyon. Masakit tanggapin na ang tadhanang inaasahan mo ay dumating sa maling panahon. Iyan na nga ba ang tadhanang matatawag? Itinadhana bang makilala at mahalin s'ya pero hindi naman s'ya magiging sa'yo? Kasama ba sa tadhana ang paasahin ka? 

WAG KANG UMASA SA TADHANA. IKAW ANG MAY HAWAK NG MGA DESISYON MO, IKAW ANG DRIVER NG SARILI MONG PAGLALAKBAY, IKAW LANG ANG GAGAWA NG TADHANA. WALANG TADHANA KUNG WALANG EFFORT.


Kahit pa sabihing malabo na ang lahat, kung mahal mo ang isang tao walang makakapigil sa’yo na patuloy syang mahalin. Hindi mo isusuko lahat para lang sa isang dahilan na pwede kayong paghiwalayin. Mahirap umaasa, pero mas mahirap magsisi. Minsan kasi kailangan mo lang ipaglaban para makuha mo yung para sa’yo.Hindi man s'ya dumating sa oras na gusto mo, dadating s'ya sa oras na kailangan mo.


Halo-halo ang laman ng blog na'to. Marunong akong makipag-kaibigan depende sa kung anong paraan mo gusto kitang tratuhin. Hindi ako magaling manghusga ng tao, hindi dapat at hindi ko gagawin dahil ayokong husgahan ako. ang blog na ito ay ang tanging paraan para takasan ko ang reyalidad na hindi ako kayang tanggapin ng buo kung ano ako. Kung pati dito, hindi mo ako matanggap wala ka ng magagawa ako ay isang tao lang di perpekto pero may rispito sa lahat ng bagay.
Mr. R

Di ko man masabi sa taong minahal ko na kahit alam ko na di pa niya ako ipinagmamalaki sa ibang tao. dahil para sa kanya ay may tamang panahon para sa amin at naniniwala sa don. Hmmmp.. para sa akin darating din yong mga panahon at oras na maipagmamalaki ya rin ako sa Pamilya niya at sa harap ng ibang mga tao. at masasabi niya rin sa iba na kahit ganito lang ako ay ipinagmamalaki niya rin ako gaya ng ipinagmamalaki ko sa kanya. sana lahat ay mag kakatutuo lahat sana dito sa nabasa niya ay maging  masaya siya. masaya na rin ako na nakilala ko siya at nakakausap nakakatext at nakakachat kahit ganon paman yong mga sitwasyon namin kahit subrang hirap non malaki pa rin tiwala ko sa kanya na darating ang araw na mag kikita pa rin kami at magkasama dahil alam kung mahal niya rin ako at sobrang mahal ko rin siya. pero kung nahihirapan na siya at di na niya kaya at kung makahanap man siya ng mas better pa sa akin di ko yon pipigilan para sa akin hangad ko kaligayahan ng taong mahal ko. Kung saan man siya masaya andon lang ako sa kaniya kung kinakainlangan niya.wink emoticon mas nananaisin ko na ako yong masaktan kaysa nakikita ko ang mahal ko na nahihirapan at nasasaktan dahil para sa akin mas mahalaga sa akin na nanatili siyang masaya kaysa nalulungkot.


Naniniwala kaba na ang pagmamahal ay dumadating sa tamang panahon?
Paano kung mangyari sayo ito? At ang taong minahal mo ay sa Computer at Cellphone mo lang nakikita at nakakausap?
Itataya mo ba ang puso mo kahit hindi mo alam kung matutugunan iyon?
Paano kung nalaman mong pinaglalaruan ka lang niya? Maniniwala kaba sa paliwanag nya o magbibingi bingihan ka nalang?
Hanggang san ka dadalhin ng pagmamahal mo? Kung ang tangi nagpapatibok nito ang unting unting pumapatay dito?
Matutugunan paba ang pagmamahal na inuukol mo sa isang babae o lalaki na tanging sa computer at cellphone lamang ang pagitan ninyong dalawa?
hiling na sanay dinggin ang dalangin ng puso ni 




=”Mr. R”=


"MAHALIN MO AT PAHALAGAHAN ANG BABAENG MAHAL MO"


"MAHALIN MO AT PAHALAGAHAN
 ANG BABAENG MAHAL MO"


Ang babae hindi pinapaiyak, dapat sila minamahal at pinahahalagahan. Ang babae ay dapat iniintindi. Kung mahal mo talaga siya dapat hindi ka gumagawa ng mga bagay na masasaktan siya. Dapat ipinaparamdam mo na hindi siya nag-iisa. Ang babae ay sadyang selosa kaya huwag ka ng gagawa pa ng ikase-selos niya, niligawan mo siya para mahalin at hindi para saktan. Hindi deserve ng isang babae ang katulad mong manloloko kaya umayos ka. 

Ang babae ay magaling magtago ng nararamdaman kaya huwag kang gagawa pa ng mga bagay na ikabibigat ng loob niya. Ang babae dapat pina-pangiti hindi pinapasimangot. Ang babae dapat binibigyan ng oras para sumaya hindi para mag-isip ng kung anu-ano. Dapat iparamdam nating mga lalaki na secure sila. Hindi naman mahirap yun, di ba?






="Mr. R"=


Martes, Mayo 12, 2015

ANG LAHAT NG PAGHIHIRAP MO AY PAGSUBOK LANG



ANG LAHAT NG PAGHIHIRAP MO AY PAGSUBOK LANG


Pagsubok! Isang salitang pwedi magpatibay o magpawasak sa isang pagkatao. Isang salitang nagpapabago sa buhay ng isang nilalang. “A good life is a challenging life”. Hindi mo malalaman ang tunay na halaga ng buhay kung wala kang mararanasang pagsubok o pag hindi ka natutu mula sa mga pagsubok sa iyong buhay. Mga pagsubok lamang yan! Kaya natin yan lampasan kung may pananalig tayo sa itaas. Walang pagsubok na ibinigay sa atin na hindi natin kaya lampasan. Ibinigay sa atin ng Diyos  ang pagsubok dahil may tiwala siya na kakayanin natin ito at alam niya na                dito tayo matututo.

May mga pagkakataong dumarating sa buhay natin na sasabihin nating hindi na natin kaya at suko na tayo. Kahit na alam nating kaya pa natin itong baguhin, nasasabi at naiisip lang natin ang ganyang sitwasyon o pagkakataon dahil nasaktan tayo. Pero kapag yung sakit na naranasan natin ay lumipas muli tayong bumabangon at harapin ang bukas ng panibagong pagkakataon.Ganyan talaga ang buhay minsan nasailalim tayo at kapag natuto tayong tanggapin ang mga bagay-bagay na hindi talaga para sa atin diyan ulit tayo nag-uumpisa na muling sumubok.

DAHIL LAGI KA ANDIYAN SA AKINNG TABI PANGINOON

Para sa lahat huwag tayong mawawalan ng pag-asa na sa kabila ng hirap at sakit ay palaging merong kapalit na kaginhawaan.Tulad ko noon akala ko diko na kaya na muling ibalik yung magagandang moment sa buhay ko nung nasadlak ako sa masalimuot na buhay na para bang wala ng kahihinatnan ang buhay ko.Konting payo lang po sa lahat basta may buhay tayo huwag mawawalan ng pag-asa huwag matakot harapin ang bukas upang makamit ang maganda at inaasam na mga pangarap. Dahil palaging nakasubaybay si LORD at palagi nya tayong ginagabayan.Yung mga masasama na nangyari sayo ay isa lang pagsubok na ibinigay nya sayo at ginagawa ka lang nyang matatag na TAO.Tibay at lakas lang ng loob ang ating kailangan kalakip ng pananalig sa POONG may KAPAL.




Its me your 


="Mr. R"=


MAY MGA BAGAY TAYO NA DI NA BIBILI NG PERA O NAPAPALITAN NG ANO MANG MGA BAGAY DITO SA MUNDO


MAY MGA BAGAY TAYO NA DI NA BIBILI NG PERA O NAPAPALITAN NG ANO MANG MGA BAGAY DITO SA MUNDO

oO tama po di na bibili ng pira o napapalitan ng ano mang mga bagay-bagay dito sa mundo.

Ako si Mr. Ronald o tinatawag na Mr. R.

Sa buhay natin may mga bagay pa tayong gustong makamit. Gaya ng mga bagay na uso ngayon, mga bagay na kailangan pa pag­ipunan para mabili lang. Swerte nga tayo dahil nakakapag­aral tayo sa magagandang paaralan. Pero hindi ito yung gusto kong sabihin sainyo. Siguro
lahat ng gusto natin sa buhay nabili na natin or napagtrabuhang mabuti kaya nakamit nyo yang mga bagay na mayroon kayo ngayon pero may isang bagay na di mabibili... Alam nyo kung ano? Edi si LOVE. Di natin alam kung kilan at saan darating ang pagkakataon kapag nainlove ka. Di mo alam kung crush, infatuation o love mo na. Dahil magulo si LOVE. It's very COMPLICATED kaya nga andaming relationship ang nageEND at di mo masasabi kung may FOREVER nga ba? Alam mo na ba kung anu ang tunay na pag­ibig? Pero ang TANONG nagkaboyfriend/girlfriend ka na ba? PS. Dahil kung hindi wag mo na ituloy basahin. ^_______^v Pero kung kagustuhan mo talaga. Sige basahin mo na. Ano ba ang tunay na pag ibig? Ano pa ba magagawa ko? Nasimulan mo na basahin ei.


Kung hindi ka pa nagboBoyfriend or girlfriend minsan di mo ito maiintindihan. Pero if you want to know kaw bahala. 

Basta understand lang (I'm not a professional on this case like LOVE but I encounter naman. Magaling kaya magAdvise ang mga SINGLE ;) Hahaha )Eii.. naka­encounter ka na ba nito? o naka­experience man lang? o Baka takot ka masaktan kaya wala ka pang BF/GF? naTruma lang masaktan?




Ei M.U. man lang? siguro meron na yan diba? Kung hindi pa.. tss TAO ka pa ba? kung wala ka pang naeexperience ni isa man lang dyan. Peace tayo OKAY! ito nga po iyon, sa buhay kase natin kailangan may nasasaktan muna bago ma­realize mo ang isang bagay at kailangan mo din masaktan para makita mo si TRUE HAPPINESS. Wag kang magpapakamatay kung iniwan ka ng mahal mo they not worth it na sasaktan o sisirain mo ang sarili mo dahil na Broken hearted ka o iniwan.






="Mr.R"=


Linggo, Mayo 10, 2015


MALIGAYANG ARAW SA LAHAT NG MGA NANAY (HAPPY MOTHERS'DAY)


Para sa nanay ko at sa iba pang dakilang ina dito sa Mundo> :) 

ITO AY PARA SA LAHAT NG NANAY.....

Paano mo nagagawa ang lahat ng mga bagay ng sabay-sabay? Paano mo kami minamahal ng pantay-pantay? Tanging ang dakilang pusong mapagmahal ng isang ina ang kakayaning gawin ang lahat ng mga bagay na hindi ko inakalang posibleng gawin. Mahal na mahal kita!

 Malungkot ang tahanan kung ikaw ay wala. Iba ang sayang dulot ng iyong presensya. Makita ka lang naming ay buo na ang araw at nakatitiyak kaming magiging maganda ang buhay. Maraming salamat Nanay!
  
Kung may mga pagkakataong hindi kita pinakikinggan, patawad po. Sa mga sandaling hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo, iyon ay dahil sarado ang isip ko sa iyo. Patawad sa mga sakit na dulot ko. Pangako na magiging mabuti na akong anak para sa iyo. Maligayang Araw ng mga Ina sa iyo!

Ipagdiwang natin ang araw na ito! Hindi man araw-araw na naipaparamdam naming ikaw ay mahalaga, sa araw na ito damhin mo ang nag-uumapaw naming pagmamahal at pag-aalaga sa iyo! Maligayang araw ng mga Ina!

Dakila ang lahat ng mga ina. Ang kanilang trabaho araw-araw ay di magagawa ninuman. Ang kanilang pagmamahal ay dalisay at tapat. Maligayang Bati sa lahat ng mga Ina!


Sa araw na ito ay marapat lang na ating ipagdiwang ang dakilang pagmamahal ng isang tao na handang ialay ang kaniyang buhay para sa kanyang mga anak. Mahal na mahal kita Nanay!


Mapalad ako na ikaw ang aking Nanay. Sana manatili kang mabuti at mapag-arugang ina. Maligayang Araw ng mga Ina!


Sa pinakadakilang tao sa ating buhay, ang ating Ina. Maligayang Araw sayo!


Sa lahat ng sakripisyo… Sa lahat ng pag-aaruga… Sa lahat ng pagmahal… Tunay na walang makapapantay sayo. Maligayang araw  sa lahat ng mga Ina!


Pag-aalagang walang kapantay… Pagmamahal na walang hinihintay na kapalit…Pang-unawang hindi masusukat… Maraming Salamat Sayo, Nanay ko. Ikaw ang number one!

MA MIMIS KO PO KAYO KAHIT DITO MAN AKO SA MALAYO AT WALA PO SA INYO NGAYON NADARAMA KO PA RIN ANG PAGMAMAHAL NINYO BILANG ISANG INA. SALAMAT PO DAHIL SA INYO NATUTUTO AKONG MAG-PAHALAGA SA MGA BAGAY-BAGAY , DAHIL DIN PO SA INYO NATUTO PO AKONG MAGING MATATAG SA BAWAT HAMON NG BUHAY NAGING MATATAG PO AKO DAHIL PO SA INYO NAGING MALAPIT PO AKO SA PANGINOON DAHIL SA INYO NAGING ISANG MALAKING INSPERASYON KO PO SA BUHAY DAHIL PO SA INYO ANG LAHAT PO NA NANGYARI PO SA AKIN NGAYON KUNG ANO MAN YONG NA ABOT KO NGAYON DAHIL PO SA INYO. I LOVE YOU  MAMA.. :) GOD BLESS ALLWAYS.. :) 





HAPPY BIRTHDAY MAMA MORE BLESSING PA SANA ANG DARATING SA INYO I LOVE MAMA. :)





From: ="Mr. R"=




To: ="My Mama "Mayflor A. Basco" :)